Magsasagawa ng Isang Araw ng Serbisyong Pagbibigay ng Impormasyon.
Sasagutin ng mga propesyonal ang mga katanungan ng dayuhan sa iba’t-ibang larangan.
Ang konsultasyon ay gaganapin nang harapan o sa telepono.
※ Dahil sa State of Emergency na idineklara sa Osaka, mababago ang paraan ng pagkonsulta. Paki-basa lamang ang pulang talata sa “aplikasyon” sa ibaba. (2021.1.19)
※ Kung ayaw ninyong ipaalam ang inyong katauhan, sa telepono lamang ang konsultasyon.
May volunteer interpreter para sa 10 wika.
※Tuturinging kompidensyal ang ikokonsulta ninyo.
[Iskedyul]
Enero 31, 2021 (Linggo) 13:00~17:00 (Kailangang mag-aplay. Deadline: Enero 21 (Huwebes))
[Lugar]
International House, Osaka 3rd Floor Meeting Room
[Bayad]
Libre ※Sasagutin ninyo ang gastos ninyo sa telepono o internet.
[Pamamaraan ng konsultasyon]
Harapan o sa telepono(Isang konsultasyon, 30 minuto)
[Maaaring ikonsulta]
Batas, karapatang pantao, bisa, pagtratrabaho, paghahanap ng trabaho, pamumuhay, pagpapagamot, pagpapaayos ng ngipin, gamot, health insyurans at pensyon, pagpapalaki ng bata, edukasyon, buwis
[Wika]
Inggles, Intsik, Koreano, Vietnamese, Filipino, Espanyol, Portuges, Bahasa Indonesia, Thai, Nepali
[Aplikasyon]
Para mag-aplay, paki-click dito.
Ang mga may appointment para sa harapang pagkonsulta bago ang deadline (Huwebes, Enero 21) ay maaari pa ring magkonsulta nang harapan. Ang mga mag-aaplay pagkatapos ng Enero 21 o mag-aaplay sa mismong araw ng konsultasyon ay maaari na lamang magkonsulta sa pamamagitan ng telepono (maaaring walang makakapagsalin sa iyong wika). Kung kailangan ng interpreter, makisuyong mag-apply hanggang Enero 21.
[Sponsor]
Coordinating Meeting ng mga organisasyon na nag-iisip kung paano gawin ang “Osaka para madaling tirhan ng dayuhan”(Secretariat Osaka International House Foundation)
Inquiries
Information Center, Osaka International House Foundation
8-2-6 Uehommachi, Tennoji-ku Osaka, 543-0001Inquiries :
・Monday to Friday:9:00~19:00
・Saturday, Sunday and Holidays:9:00~17:30
※Closed during the New Year holidays(December 29 to January 3)
TEL 06-6773-8989 FAX 06-6773-8421
Online Inquiry Form