Bagong Impormasyon

Nagtatawag ng Magpre-presenta sa “Multicultural Experience sa I-house”!

Naghahanap kami ng mga dayuhan na magbabahagi tungkol sa kultura ng kanilang bansa! 

Sa Nobyembre 19 (Sabado) magsasagawa ang Osaka International House Foundation ng isang event na magtatampok ng mga dayuhan na magbabahagi ng kultura ng bansa nila habang nakikihalubilo sila sa mga tao sa komunidad.

Maghahanda para sa programa kasama ang mga volunteer.
Ibahagi ang kultura ng iyong bansa, tulad ng wika, drama, musika, sayaw, game atbp.

■Tungkol sa Event
・Petsa at Oras: Nobyembre 19 (Sabado) 11:00~16:30
・Lugar: Mga Conference room sa 3rd floor ng International House, Osaka
8-2-6 Uehonmachi, Tennoji-ku Osaka-shi 543-0001
・Programa:1 oras na programa, tulad ng pagbabahagi ng kultura
Bukod sa pagluluto, pag-kain o pag-inom

■Orientation at pag-match sa volunteer
・Orientation para sa mga magbabahagi: Agosto 7 (Linggo) 10:30~12:00
・Orientation para sa volunteer at matching: Setyembre 4 (Linggo) 10:30~12:00
・Lugar: International House, Osaka 3rd Floor
※Dapat sumali sa parehong orientation.

■Kwalipikasyon para sumali
・Dayuhan na layuning magkaroon ng cultural exchange
・Nakakapagsalita ng Hapon
・Makakasali sa Orientation at Matching
・Makakasali sa mga pre-meeting at rehearsal
・Taong maaaring ilagay ang pangalan, litrato o video nito sa flyer at site na pam-PR

Kabayaran na matatanggap: 5,000 yen para sa isang programa
Magbibigay ng pera para sa materyales (may limit)

Aplikasyon★Dito

※Hindi ito unahan. Pagkatapos mong mag-aplay, kokontakin namin kayo tungkol sa inyong pagsali. 

Dahil gagawa kayo ng team kasama ang mga volunteer at makakapag-usap kayo sa mga tao ng ibang bansa, magandang oportunidad ito para makagawa ng mga kaibigan. Hinihintay namin ang inyong aplikasyon♪

※Pakiintindi lamang na depende sa sitwasyon ng Covid-19, maaaring magbago ang dami ng puwedeng sumali at pamamaraan para isagawa ang event.

R4出演者募集チラシ_220623更新

 

■Para sa mga katanungan
Osaka International House Foundation
TEL 06-6773-8989
https://www.ih-osaka.or.jp

 

Inquiries

Information Center, Osaka International House Foundation
8-2-6 Uehommachi, Tennoji-ku Osaka, 543-0001

Inquiries :
・Monday to Friday:9:00~19:00
・Saturday, Sunday and Holidays:9:00~17:30
※Closed during the New Year holidays(December 29 to January 3)


TEL 06-6773-8989 FAX 06-6773-8421
Online Inquiry Form

Balita ayon sa Kategorya

Banner Ads
PAGE TOP
%d bloggers like this: