Magkakaroon ng isang araw na libreng konsultasyon para sa mga dayuhan.
Makakakuha ng payo sa iba’t-ibang larangan mula sa mga propesyonal.
Harapan o sa telepono ang konsultasyon.
*Kumpidensyal ang mga konsultasyon.
Araw at Oras
Enero 18 (Sabado) 13:00 – 17:00 (Magsasara ang tanggapan ng 16:20)
*Ang tanggapan sa telepono ay bukas mula 14:00 – 15:00 lamang.
Ipapaalam ang teleponong gagamitin sa araw ng konsultasyon sa ibang araw
Lugar
International House Osaka, 2nd Floor, Sakura Hall at ibang conference rooms
Bayad
Libre (Hindi kailangan ng pera)
Pamamaraan ng Konsultasyon
Harapan o sa telepono (30 minuto/konsultasyon)
*Maaaring maghintay bago kayo makapagkonsulta.
Larangang puwedeng ikonsulta
Batas, karapatang pantao, bisa, paggawa (labor), pagreratrabaho, pamumuhay, pagpapagamot, pagpapagamot ng ngipin, gamot, health insyurans, pensyon, pagpapaplaki ng bata, edukasyon, buwis, business (pagtayo at pag-manage) at iba pa
Wikang maisasalin
Ingles, Intsik, Koreano, Espanyol, Portuges, Bahasa Indonesia, Thai, Filipino, Vietnamese, Nepali, Russo at Ukranian
Sino ang puwedeng mag-konsulta
Mga dayuhang residente ng prepektura ng Osaka
Sponsor
One Day Information Service Executive Committee (Coordinating Councils Considering How to Make “Osaka: a Comfortable Place to Live for Foreigners”)
Para sa mga katanungan
Office: Osaka International House Foundation
TEL 06 – 6773 – 8989