Kamakailan lang, ilegal na na-access mula sa labas ang homepage namin at pansamantalang hindi makita ito. Pagkatapos ng masusing pagsusuri, nalaman namin na pinasok ang mail magazine system na nasa homepage at bilang resulta naapektuhan ito.
Mabilis naming inayos ang homepage para ligtas na makita ito, subalit nalaman namin na dahil ilegal na pag-access sa mail magazine system, maaaring na-access ang personal na impormasyon na nakarehistro dito. Sa ngayon, walang nangyaring insidente na nagpapakitang maaaring lumabas ang personal na impormasyon, ngunit taos-puso kaming humihingi ng paumanhin sa mga nag-subscribe sa aming mail magazine para sa anumang alalahanin na maaaring naidulot nito. Inaayos ngayon ang mail magazine registration form.
Magpapadala kami ng mga indibidwal na email sa lahat ng nag-subscribe sa aming mail magazine upang humingi ng paumanhin at magbigay ng paliwanag. Huwag ninyong buksan at agad i-delete ang mail na galing sa hindi ninyo kilala at kung may email na dumating na nagpapakitang maaaring lumabas ang personal na impormasyon ninyo, paki-kontak lang kami.
Hanggang ngayon, nagsusumikap kaming tiyakin ang mahigpit na pangangasiwa at pamamahala ng personal na impormasyon na konektado sa aming trabaho, ngunit dahil sa naganap na pinaghihinalaang paglabas ng impormasyong ito, gagawa kami ng mas mahigpit na polisiya at gagawin namin ang aming makakaya upang maiwasang maulit ito.
Humihingi kami ng paumanhin sa pag-abala at pagpapa-alala na naidulot namin sa inyo.
Pebrero 5, 2025
Presidente Takayuki Kishimoto
Osaka International House Foundation