Ito ay isang kursong pag-aaral ng wikang Japanese na kinakailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay sa Japan.
Pag-aaralan ang mga kasanayan sa pakikipag-usap sa elementary hanggang intermediate level na kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay.
Simula ngayong taon, itong kursong ito para sa mga dayuhang naninirahan o nagtatrabaho sa Lungsod ng Osaka ay isasagawa ng Osaka International House Foundation sa tulong ng Osaka Japanese Language Education Center ng Japan Student Services Organization (JASSO).
Ang mga klase ay ituturo ng mga guro mula sa Osaka Japanese Language Education Center ng Japan Student Services Organization (JASSO).
Habang pinag-aaralan ang wikang Japanese na kinakailangan sa pamumuhay sa Japan, paunlarin din natin ang kakayahang makipagkomunikasyon upang makapamuhay nang may kapanatagan at kumpiyansa sa lokal na komunidad.
1. Nilalaman
Ang lahat ng kurso ay isasagawa nang harapan (face-to-face classes).
※ Walang WEB class o online na klase.
<Sino ang puwedeng mag-enrol>
Para sa mga dayuhan na hindi pa nakapagsasalita ng Japanese o nais pang pagbutihin ang kanilang kakayahan sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa wikang Hapon.
※ Bilang patakaran, para sa mga edad 16 pataas (high school student o mas matanda) na naninirahan o nagtatrabaho sa Lungsod ng Osaka.
※ Hindi mag-aabsent sa buong panahon ng kurso.
<Panahon ng Kurso>
Summer Course: Mula Hulyo 8, 2026 (Miyerkules) hanggang Setyembre 30, 2026 (Miyerkules)
Autumn Course: Mula Oktubre 7, 2026 (Miyerkules) hanggang Disyembre 22, 2026 (Martes)
Winter Course: Mula Enero 2027 hanggang Marso 2027
<Oras ng Kurso>
1 araw 2 oras (50分×2)
| Pang-umaga | Lunes~Biyernes | 10:00 am – 12:00 pm | Elementary (3 klase) / Intermediate (1 klase) |
| Pang-hapon | Lunes~Biyernes | 1:10 pm – 3:00 pm | Elementary (3 klase) / Intermediate (1 klase) |
| Panggabi | Martes・Huwebes | 4:10 pm – 6:00 pm | Elementary (1 klase) / (Elementary lang ang 2 araw sa isang linggo) |
※Walang klase sa Sabado, Linggo at holiday.
※Maaaring magbago ang bubuksang klase o dami ng estudyante depende sa sitwasyon.
<Batayan ng Antas ng Klase>
| 初級クラス
Elementary |
*はじめてにほんごをべんきょうする
*Mag-aaral ng wikang hapon sa unang pagkakataon |
| 中級クラス
Intermediate |
*かんたんな会話ができる *形容詞、動詞の過去形がわかる(例 おいしかったです、いきませんでした) *動詞の「て形」がわかる(例 たべて、よんで)*Makapagsagawa ng simpleng pag-uusap sa wikang Japanese *Maunawaan ang nakaraang panahunan (past tense) ng mga pandiwa at pang-uri (Ex.おいしかったです、いきませんでした) *Maunawaan ang te-form ng mga pandiwa (Ex.たべて、よんで) |
<Bayad>
Klase sa umaga at hapon: 30,000 yen bawat kurso (kasama na ang bayad sa mga materyales sa pag-aaral)
Klase sa gabi: 12,000 yen bawat kurso (kasama na ang bayad sa mga materyales sa pag-aaral)
※ Pagkatapos mapili ang aplikante, ipapaalam kung papaano magbabayad. Magbayad (bank transfer) bago dumating ang itinakdang araw.
※ Hindi maisasauli ang pera pagkabayad.
※ Kapag hindi ninyo alam kung paano magbayad gamit ang bank transfer, makipag-ugnayan sa amin.
<Kapasidad>
12 tao kada klase
<Lugar>
Osaka Japanese Language Education Center, Japan Student Services Organization (JASSO) (8-3-13 Uehommachi, Tennoji-ku, Osaka City)
Access:https://www.jasso.go.jp/about/jimusho/index.html – ojlec
2. Paano Mag-aplay
<Pag-aplay>
Summer Course (1st Term): Mula Hunyo 19, 2026 (Biyernes) hanggang Hulyo 3, 2026 (Biyernes)
Autumn Course: Setyembre 24, 2026 (Lunes) hangganng Setyembre 24, 2026 (Huwebes)
Winter Course: Disyembre 2026
<Kwalipikasyon>
May visa (residential status) na valid hanggang matapos ang kurso.
<Paano mag-aplay>
Para sa aplikasyon, bukod sa pangalan, kinakailangan ding ilagay ang numero ng Residence Card, uri ng status visa (status of residence), petsa ng pagpasok sa Japan, email address, at iba pang impormasyon. Ihanda ang inyong Residence Card bago mag-apply.
Pakitandaan na hindi kayo maaaring tanggapin sa kurso kung hindi namin kayo makontak o kung wala kayong nakatalang address sa Japan.
Hindi puwedeng magpapalit ng klase pagkatapos maisumite ang aplikasyon.
Mag-aplay gamit ang application form sa ibaba.
Ang mga aplikasyon ay tatanggapin ayon sa pagkakasunod ng pagdating (first come, first served).
[Elementary Course Application Form]
[Intermediate Course Application Form]
※Walang level check ng Japanese. Ang klase ay ang piniling klase at hindi puwedeng baguhin pagkatapos mag-aplay.
<Mga Dapat Pag-ingatan sa Pag-aplay>
・Matapos kayong matanggap, pakiintindihin lamang na ang impormasyon ninyo na kailangan para sa pagpapatakbo ng kurso ay ibabahagi sa Osaka Japanese Language Education Center ng Japan Student Services Organization (JASSO).
3. Flyer
4. Para sa mga Katanungan
Osaka International House Foundation
Telepono: 06-6773-8989
Lunes~Huwebes・Sabado 9:00~17:30/Biyernes 9:00~19:00
<Sarado>Linggo・Holiday, Agosto 13~15, Bagong taon
Para sa magtatanong gamit ang email:https://www.ih-osaka.or.jp/contact/
Iba pang mga Klase sa Wikang Hapon
Inquiries
Information Center, Osaka International House Foundation
8-2-6 Uehommachi, Tennoji-ku Osaka, 543-0001Inquiries :
・Monday to Friday:9:00~19:00
・Saturday, Sunday and Holidays:9:00~17:30
※Closed during the New Year holidays(December 29 to January 3)
TEL 06-6773-8989 FAX 06-6773-8421
Online Inquiry Form













