Naghahanap kami ng mga “Volunteer Interpreters/Translators sa oras ng Sakuna”, na magbibigay ng suporta sa wika sa mga dayuhan sa oras sakuna. Ito ay base sa “Kasunduan tungkol sa Support Network para sa mga Dayuhan sa isang Sakuna” na ipinasok ng “Council of Local Authorities for International Relations”, na kasapi ang i-house, noong Disyembre 2007. Magsusumikap kaming makipag-tulungan sa pagbibigay ng suporta kapag dumating ang inaasahang sakuna.
Nilalaman/Karakteristiko ng mga aktibidades
Ang paghahanap at pamamahala ng mga volunteer ay isinasagawa base sa mga aktibidad ng “Support Network para sa mga Dayuhan sa isang Sakuna” na sinusulong ng “Council of Local Authorities for International Relations”, na binubuo ng 6 na prepektura at 2 itinalagang lungsod.
Ang mga boluntaryo ay mag-iinterpret at translate sa mga support headquarters tulad ng volunteer centers na itatayo sa mga lugar na apektado kung magkaroon ng malaking sakuna tulad ng lindol.
Kung magkaroon ng malaking sakuna sa labas ng prepektura, magpapadala ang Kinki Council of Local Authorities for International Relations ng suporta kung pakiusapan ito.
Ang asosasyong nagpadala ng volunteer ang magbabayad ng insyurans ng volunteer at transportasyon base sa isang pamantayan.
Ipapasali ang mga volunteer sa gaganapin na training mga 1 beses sa isang taon.
Kwalipikasyon para maging Volunteer
Nakatira sa loob ng prepektura at nakakapagkomunikasyon sa wikang Hapon at wikang banyaga.
※Kailangan ng permiso ng magulang kung underage pa.
※Posibleng hindi ka mai-rehistro dahil sa language proficiency mo o iba pang rason.
Sinuman ang okay tumulong sa mga lugar na apektado ng sakuna (Hihingi kami ng permiso sa inyo bago kayo papuntahin roon)
Sinuman ang makakapunta sa training na ginaganap 1 beses 1 taon.
Hindi importante and nasyonalidad.
Paano magparehistro
I-download ang application form, isulat ang kailangang impormasyon at ipadala (via post) o i-fax sa amin. ※Kailangang marehistro sa volunteer bank ng i-house para maging “Volunteer Interpreters/Translators sa oras ng Sakuna”.
・Kung nakarehistro na:⇒Application Form Download(PDF)
・Kung hindi pa nakarehistro:⇒I-house Volunteer Bank Registrationへ
Inquiries
Information Center, Osaka International House Foundation
8-2-6 Uehommachi, Tennoji-ku Osaka, 543-0001Inquiries :
・Monday to Friday:9:00~19:00
・Saturday, Sunday and Holidays:9:00~17:30
※Closed during the New Year holidays(December 29 to January 3)
TEL 06-6773-8989 FAX 06-6773-8421
Online Inquiry Form