Ang Information Center ay nagsisilbing hub ng impormasyon tungkol sa International Exchange para sa mga residente ng lungsod, kasama ang mga dayuhang residente, at nag-iipon at nagbibigay ng impormasyon at materyales tungkol sa interculturality, international exchange at kooperasyon, suporta sa mga dayuhang estudyante, atbp. Mayroong mapapakinabangang serbisyo na magagamit ng lahat. Makakabasa ng libro at makakapanood ng mga video sa iba’t -ibang larangan, makakabasa ng periyodiko at magasin ng ibang bansa, at may information board kung saan puwedeng magkaroon ng mas malalim na personal na exchange sa ibang tao.
Ang Aklatan at Impormasyon tungkol sa International Exchange
Ang Information Center ay nangongolekta at nag-di-display ng mga impormasyon, libro at video tungkol sa interculturality, international exchange at kooperasyon, at suporta sa mga dayuhang estudyante, lalo na tungkol sa suporta sa pamumuhay ng mga dayuhan sa Hapon, pag-aaral ng wikang Hapon, pag-intindi ng kultura, pagsusulong ng pag-iintindi ng kulturang internasyonal para sa mga residente, at impormasyon tungkols sa mga international exchange na aktibidad ng mga volunteer, NGO at NPO.
※ Pang-reference lamang.
Periyodiko at Magasin ng Ibang Bansa
Libreng mababasa ang iba’t-ibang periyodiko at magasin (wikang Hapon at banyaga) mula sa ibang bansa.
Periyodiko mula sa ibang bansa (※Ginagawa pa)
Magasin sa Hapon (※Ginagawa pa)
Magasin mula sa ibang bansa (※Ginagawa pa)
Catalogue Stand
Naka-display ang mga brochure tungkol sa pag-aaral sa ibang bansa, pag-aaral ng wikang Hapon mula sa iba’t-ibang organisasyon. (May bayad ang paggamit ng catalogue stand.
Information Exchange Board
Ang Information Exchange Board magagamit para magpalitan ng impormasyon tungkol sa language at culture exchange, pagtratrabaho at paghahanap ng tirahan.