Online na Klase ng Wikang Hapon

Ito ay online (ZOOM) na klase para sa mga taong magsisimula pa lamang mag-aral ng wikang Hapon. Gamit ang site na “Iugnay at Pagbutihin ang Iyong Buhay sa Wikang Hapon“, magtuturo ang mga guro na may kwalipikasyong magturo ng wikang Hapon. Sama-sama tayong mag-aral ng Hapon! 

Layunin

May mga dayuhan na dahil nalalagay sila sa mahirap na sitwasyon, tulad ng walang malapit na klase ng Hapon, nag-aalaga ng bata, matanda na at nahihirapan nang lumabas, atbp. nawawalan sila ng oportunidad na mag-aral ng Hapon at nag-iisa. 
Para mapanatag ang loob ng mga taong ganoon at makapamuhay ng mabuti, magbubukas kami ng online na klase ng wikang Hapon kung saan makakapag-aral ng kinakailangang Hapon. 
Ang klaseng ito ay gagamit ng site para sa pag-aaral ng wikang Hapon -Iugnay at Pagbutihin ang Iyong Buhay sa Wikang Haponna gumagamit ng Information at Communication Technology na isinusulong ng Agency for Cultural Affairs. 

Pamamaraan ng Pag-aaral

Online(ZOOM) ※Sa bawat termino magsasagawa ng isang orientation nang harapan.

Nilalaman ng Klase

Pag-aaralan ang Level 1, Level 2 ngIugnay at Pagbutihin ang Iyong Buhay sa Wikang Hapon

Pamamalakad ng klase

Sa unang kalahati ng klase 1 scene, sa huling kalahati ng klase ay 1 pang scene ang pag-aaralan. 

90 minuto (unang kalahati 40 minuto+Pahinga na 5 minuto+ huling kalahati 40 minuto) 

Nilalaman
Paghahanda Sariling pag-aaralan ang tema ng ituturo, ang mga keyword, ang bidyo at pag-intindi ng ibig sahihin ng mga ekspresyon at salita na gagamitin.
Main room Lektyur ng pangunahing guro
Breakout room Pag-praktis ng pakikipag-usap (scene 1) sa sub-teacher (volunteer) 
Pahinga
Main room, breakout room Parehong pag-praktis ng scene 2
Review ng klase Mga tanong sa lektyur at kung may napuna tungkol sa klase
PaPag-praktis Magpraktis sa sarili mo gamit ang “Iugnay at Pagbutihin ang Iyong Buhay sa Wikang Hapon”

Kwalipikasyon para Sumali (Kailangang tugma ang lahat) 

  1. Kung ang resulta ng “Hanapin ang antas na naaangkop sa sarili” sa “Iugnay at Pagbutihin ang Iyong Buhay sa Wikang Hapon” ay lumabas na “Tandaan natin ang mga kapaki-pakinabang na parirala sa Wikang Hapon”, “Level 1”
    Kung nag-aaral ka mula sa Level 2, ang mga itinuturing na “Level 2” lamang ang mga karapat-dapat.
  2. Makakasali sa harapang orientation sa unang arawa (Abril 18, Hunyo 27) na gagawin sa International House, Osaka.
  3. Makakasali sa lahat ng 40 na klase
  4. Makakasali sa Zoom gamit ang kompyuter, tablet o smartphone

Dami ng Makakasali

Isang termino 10 tao

Iskedyul para sa 2023

Termino 1(4/18~9/10)  bawat Martes at Huwebes 10:00~11:30

Level 1   Abril 18~Hunyo 25(20 beses)

Level 2   Hunyo 27~Setyembre 10 (20 beses)※Puwera ang Agosto 13 (Martes) at Agosto 15 (Huwebes) 


 

Bayad sa Pagsali

Level 1(20 beses) 4000 yen

Level 2(20 beses) 4000 yen

※Magbabayad ng cash sa unang orientation. Hindi isasauli ang pera kung mag-absent o kung hindi itutuloy ang klase. 

Papaano hanapin ang sariliing Level 

Ipadala ang resultang nakuha sa “Hanapin ang antas na naaangkop sa sarili” sa Iugnay at Pagbutihin ang Iyong Buhay sa Wikang Haponsa application form. 

Gamitin ang bidyo sa ibaba para ma-check ang sariling level. Kunan ng screen shot (litrato ng screen) ang resulta at i-save ito. 

Halimbawa:

Para sa mga Katanungan

文化庁「令和5年度 地域日本語教育の総合的な体制づくり推進事業」活用

 

Link

Paano gamitin ang website na ito

Katangian ng Wikang Hapon

Kapaki-pakinabang na mga impormasyon<Video>

Kapaki-pakinabang na mga impormasyon <column>

Iba pang klase sa Hapon, online na materyales sa pag-aaral ng Hapon

Praktikal na Hapon para sa Trabaho

Kursong Hapon para sa Pamumuhay

Impormasyon tungkol sa pag-aaral ng Hapon(Koleksyon ng mga link)

 

Inquiries

Information Center, Osaka International House Foundation
8-2-6 Uehommachi, Tennoji-ku Osaka, 543-0001

Inquiries :
・Monday to Friday:9:00~19:00
・Saturday, Sunday and Holidays:9:00~17:30
※Closed during the New Year holidays(December 29 to January 3)


TEL 06-6773-8989 FAX 06-6773-8421
Online Inquiry Form

Balita ayon sa Kategorya

Banner Ads
PAGE TOP
%d bloggers like this: