Klase ng Wikang Hapon para sa mga Bata (Kodomo Hiroba)

Ang pangalang “Kodomo Hiroba” ay naging “Kotoba no Hiroba” mula Abril 2026.
Klase ng wikang Hapon para sa mga batang may banyagang pinagmulan.

Tumatanggap kami ng mga sasaling estudyante.
Para makasali, kailangan muna ng interview. Makipag-ugnayan sa Osaka International House Foundation.
Tatawagan kayo ng Osaka International Foundation upang ipaalam kung kailan ang interview ninyo.
Sa araw ng interview, dapat samahan ng magulang ang bata.

Sino

Grade 3 hanggang hayskul
Mga batang gustong pumasok sa Japanese high school (hanggang mga 18-taon)

Ano

Nagbibigay suporta para sa pag-aaral ng wikang Hapon, pag-intindi ng takdang aralin mula sa eskuwela at wikang Hapon sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Kailan

Bawat Lunes  18:00~20:00 (ang mga estudyante sa elementarya ay mula 18:00~19:30)※Kailangan ng hatid-sundo ng magulang.

Saan

Abril 1-Mayo 16: International House Osaka Conference room
Mayo 18-katapusan ng Mayo 2027: Semba Center Bldg.  B1F sa gitna ng Bldg. 1 at Bldg. 2
(Rm. B152  1-2-1 Semba Chuo, Chuo-ku, Osaka-shi)

Magkano

Libre

Co-sponsor

Kodomo Hiroba
※Isang organisasyon na naglalayong magbigay ng komprehensibong suporta sa mga batang may banyagang pinagmulan na naninirahan sa Japan.

 

Inquiries

Information Center, Osaka International House Foundation
8-2-6 Uehommachi, Tennoji-ku Osaka, 543-0001

Inquiries :
・Monday to Friday:9:00~19:00
・Saturday, Sunday and Holidays:9:00~17:30
※Closed during the New Year holidays(December 29 to January 3)


TEL 06-6773-8989 FAX 06-6773-8421
Online Inquiry Form

Balita ayon sa Kategorya

  1. ABISO

Banner Ads
PAGE TOP