Online na klase (Zoom) para sa mga magsisimulang mag-aaral ng wikang Hapon. Mag-aral tayo ng abilidad (pagkinig, pagsalita, pagbasa, at pagsulat) na kinakailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay gamit ang “Irodori Japanese Online Course” .
※Kailangang mag-review at mag-praktis sa bahay.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Online (ZOOM)
Araw at Oras
・Introductory Class (20 klase) Oktubre 13-Disyembre 22 (walang pasok sa Nobyembre 3)
・Elementary Class (20 klase) Enero 12-Marso 25 (walang pasok sa Pebrero 11 at 23)
Kada Martes at Huwebes 7:00~8:30 ng gabi
Nilalaman ng Klase
Introductory Class: “Irodori” Introduction(A1)Chapter 1~Chapter 14
Elementary Class: “Irodori” Introduction(A1)Chapter 15~Chapter 18、Elementary 1(A2)Chapter 1~Chapter 10
Tagal ng Klase
90 minuto
Kwalipikasyon para sumali (Kailangang tumpak lahat)
-
- Taong magsisimulang mag-aral ng wikang Hapon. Ang mga hinusgahan ng Osaka International House Foundation na angkop na sumali sa Introductory class batay sa resulta ng level check.
- Nakatira o nagtratrabaho sa lungsod ng Osaka at makakasali sa mga klase sa Oktubre 12 (Martes), Nobyembre 10 (Martes), Disyembre 22 (Martes), Pebrero 18 (Huwebes), Marso 25 (Huwebes) na gaganapin sa International House, Osaka
- Ang taong makakasali sa lahat nang 40 na klase (20 klase×2 Level)
- Ang taong puwedeng mag-Zoom sa bahay gamit ang computer, tablet o cellphone
- Ang taong makakapagpraktis/rebyu sa bahay
Dami ng Puwedeng Sumali
15 katao bawat klase
Bayad
5,000 yen (20 klase) ※1 kurso
※Magbabayad nang cash sa unang orientation (Oktubre 13 (Martes)) . Hindi isasauli ang bayad kahit ma-absent o kung hindi na makakasali sa klase.
Paano mag-aplay
Sagutin ang dalawang form sa ibaba:
Hindi unahan. Pipiliin ang mga sasali ayon sa resulta ng level check.
Ipapaalam sa inyo mula Oktubre 5 (Lunes) kung makakasali o hindi.
Panahon ng pag-aplay: Setyembre 15 (Martes)-Oktubre 4 (Linggo)
※Isasara namin ang aplikasyon kapag napuno na.
文部科学省 令和7年度「地域日本語教育の総合的な体制づくり推進事業」活用 |
Inquiries
Information Center, Osaka International House Foundation
8-2-6 Uehommachi, Tennoji-ku Osaka, 543-0001Inquiries :
・Monday to Friday:9:00~19:00
・Saturday, Sunday and Holidays:9:00~17:30
※Closed during the New Year holidays(December 29 to January 3)
TEL 06-6773-8989 FAX 06-6773-8421
Online Inquiry Form












