Klase ng Wikang Hapon para sa mga “Direct” na Estudyante “Mirai”

Ito ay isang klase ng wikang Hapon para sa mga batang nakatapos ng junior high school sa kanilang bansa at nagpunta sa Japan at nagnanais pumasok sa high school (Direct). Ituturo ito ng titser na may kwalipikasyong magturo ng Japanese. Makinig at gayahin ang Japanese ng titser at magsalita tungkol sa sarili!

Sino

Direct (mga batang nakatapos ng junior high school sa kanilang bansa at nagnanais pumasok sa high school) at ang Japanese Level ay Beginner

Kapasidad

4 na tao (bawat klase)

Nilalaman

Ito ay isang klase ng wikang Hapon para sa mga batang nakatapos ng junior high school sa kanilang bansa at nagpunta sa Japan at nagnanais pumasok sa high school. (Direct) Sa klaseng ito, matututo ng elementaryang Hapon na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay, kung papaano pag-usapan ang tungkol sa kanilang sarili at kanilang pamilya, at matutong makapagbasa ng hiragana at katakana.

※Ang layunin ay upang makapagkuwento tungkol sa mga pamilyar na bagay sa pamamagitan ng 20 klase. Hindi ito isang silid-aralan na nakatuon sa pangkalahatang gramatika.

Araw at Oras

Mga araw ng klase ng bawat kurso sa loob ng panahon mula Hulyo 3, 2026 hanggang Pebrero 12, 2027

Araw: Tuwing Martes at Biyernes
(Bawat kurso ay may kabuuang 20 sesyon at tumatagal ng humigit-kumulang 3 buwan.)

Oras:15:30~17:30

Panahon ng bawat klase

Kurso ①:7/3~9/15

Kurso ②:8/4~10/20

Kurso ③:9/1~11/13

Kurso ④:10/2~12/11

Kurso ⑤:11/6~12/25、2027/1/5~1/19

Kurso ⑥:12/1~12/25、2027/1/5~2/12

Lugar

Osaka International House Foundation Conference Room

Funaba Center Bldg. 1・2 B1F(B152, 1-2-1 Semba Chuo, Chuo-ku, Lungsod ng Osaka)

Bayad

18,000円 ※Hindi isasauli ang pera kahit tumigil sa kalagitnaan.

Kung gustong sumali, tumawag muna sa Osaka International House Foundation at sabihing “Mirai ni sanka shitai!”

【Kontak】Osaka International House Foundation Information Center

TEL:06-6773-8989

Aplikasyon 

Tumawag sa telepono sa itaas.  ※Unahan ang aplikasyon.

Flyer

みらい(HP)

Balita ayon sa Kategorya

Banner Ads
PAGE TOP