Magbubukas kami ng online na klase (Zoom) ng wikang Hapon para sa mga taong magsisimulang mag-aral ng wikang Hapon. Gagamitin sa klase ang “Marugoto,” isang text book na binuo ng Japan Foundation. Bukod sa mga salita at ekspresyon sa wikang Hapon, pag-aaralan din ang kultura ng Japan.
Layunin ng klaseng ito na paunlarin ang kakayahan ng mga kalahok na ipahayag ang kanilang nararamdaman at nasaisip sa pamamagitan ng komunikasyon. Bibigyang-halaga rin ang pag-unawa at paggalang sa iba’t ibang kultura. Ang klase ay magsisilbing lugar ng pag-aaral na nagtataguyod ng pagkakaunawaan sa isa’t isa.
Nais ba ninyong mag-enjoy mag-aral ng wikang Hapon habang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao?
Papaano mag-aaral
Online (Zoom)
Araw at Oras
-
- Daily Life & Culture Course A: Tuwing Lunes 19:00–20:30, at Sabado 10:00–11:30
Introductory: Oktubre 19–Disyembre 21, maliban sa Nobyembre 23 (18 klase )
Elementary: Enero 18–Marso 20, 2027 (18 klase )
- Daily Life & Culture Course B: Tuwing Martes at Huwebes 10:00~11:30
Introductory :Oktubre 20–Disyembre 22, maliban sa Nobyembre 3 (18 klase)
Elementary :Enero 19–Marso 23, 2027, maliban sa Pebrero 23 (18 klase)
Pag-aaralan:
- Introductory Class:Aktibidad ng “Marugoto” Introductory (A1)
- Elementary Class:Aktibidad ng “Marugoto” Elementary 1(A2)
Tagal ng Klase
90 minuto
Mga Puwedeng Sumali (Kailangang matugunan ang lahat ng sumusunod na kondisyon)
- Nakatira o nagtatrabaho sa Osaka City
- Makakasali sa lahat ng 36 na klase (18 klase × 2 antas)
- Makasasali sa Zoom mula sa bahay gamit ang computer, tablet, o smartphone
- Kayang bumili ng kinakailangang materyales sa pag-aaral
Ilan ang Puwedeng Sumali
15 katao sa bawat klase
Bayad
3,600 yen para sa 1 klase.
※Pagkatapos makumpirma ang pagsali, ipapaalam ang bank account para sa pagbabayad. Mangyaring magbayad sa itinakdang bank account bago sa itinakdang petsa. Hindi ibabalik ang bayad kung mag-absent o mag-kansel sa kalagitnaan ng kurso.
Papaano mag-aplay
Pakisagutan ang parehong sumusunod:
※First come, first served.
文部科学省 令和7年度「地域日本語教育の総合的な体制づくり推進事業」活用 |













