Bagong Impormasyon

Leksyon sa Disaster Preparation para sa mga dayuhan sa Hulyo 27 sa Abeno Tasukaru/Abeno Lifelong Learning Center

~ Sama-sama tayong dayuhan at Hapon na mag-isip tunkol sa pag-iwas sa sakuna!  ~

Kapag nagkalindol, anong gagawin mo? Sinasabing magkakaroon ng malakas na lindol sa Osaka.

Pag-aralan ang tungkol sa pag-iwas sa sakuna, at sama-sama ang mga dayuhan at Hapon na mag-iisip kung ano ang gagawin kapag nagkalindol o sunog, saan lilikas at ano ang parating ihahanda.

May makakapagsalita ng Ingles, Intsik, Koreano at Vietnamese sa araw na ito. 

Araw at Oras     Hulyo 27, 2024 (Sabado)  13:00~16:30

Saan magkikita】  (Para sa dayuhan lamang) 13:00 Osaka City Abeno Life Safety Learning Center Abeno Tasukaru Magkikita-kita sa 1st floor

Saan gagawin     

 ① Osaka City Abeno Life Safety Learning Center Abeno Tasukaru (Mag-oobserve: 13:30 – 14:30 ・・・mga dayuhan lamang)
 3-13-23 Abeno-suji, Abeno-ku, Osaka City, Osaka Prefecture, 545-0052
5 minuto mula sa Exit 2 o 7 ng “Abeno” station ng Osaka Metro Tanimachi Line 

 ② Abeno Citizen’s Learning Center (Worshop: 14:45 – 16:30 ・・・ Sasama sa mga Hapon)
Third floor Abeno-Belta, 3-10-1-300 Abeno-suji, Abeno-ku, Osaka City, Osaka Prefecture, 545-0052
8 minutong lakad mula sa “Tennoji” station ng JR・Osaka Metro Midosuji Line o “Abenobashi” station ng Kintetsu line
3 minutong lakad mula sa “Abeno” station ng Osaka Metro Tanimachi line (dumaan sa lagusan sa basement papunta sa Abeno Belta at pumunta sa 3rd floor gamit ang escalator)

Ilang tao】  Dayuhan: 25 katao / Hapon(※): 25 katao

Bayad  Libre

Nilalaman

  1. Paglibot at pagsasanay sa Osaka City Abeno Life Safety Learning Center Abeno Tasukaru (13:30~14:30)
    Sino: mga dayuhan lamang(13:00 magkikita-kita)
    (1) Danasin ang magnitude 7 na lindol
    (2) Matuto kung papaano lumisan
    (3) Alamin ang sitwasyon pagkatapos ng lindol
    (4) Alamin kung ano ang sakuna sa pagpanood ng sine
  2. Workshop (14:45 – 16:30) Lilipat sa Abeno Citizen’s Learning Center at makikipagkita sa mga Hapon
    Anong gagawin kapag may sakuna, sama-samang pag-isipan ng mga dayuhan at Hapon!

Paano mag-aplay  Para sa mga dayuhan: Ilagay ang pangalan, telepono, nasyonalidad at wika na kailangan ng interpretasyon sa Google Form.

(※)Sa mga sasaling Hapon ・・・ Mag-aplay sa Homepage ng Abeno Citizen’s Learning Center.

(First come-First served. Ititigil ang pagtanggap kapag napuno na.)

【Para sa mga katanungan

 Para sa mga dayuhan:Osaka International House Foundation
           TEL:06-6773-8989 

※ Para sa mga Hapon, magtanong sa ibaba.
Abeno Citizen’s Learning Center
Third floor Abeno-Belta, 3-10-1-300 Abeno-suji, Abeno-ku, Osaka City, Osaka Prefecture, 545-0052
TEL:06-6634-7951 FAX:06-6634-7954

Sponsor: Osaka International House Foundation/Osaka City Economic Strategy Bureau
        Abeno Citizen’s Learning Center  (Itinalagang manager: Osaka Education and Culture Promotion Foundation /
SPS Joint Venture)

防災教室 (最終版)

Balita ayon sa Kategorya

Banner Ads
PAGE TOP
%d bloggers like this: